Hind ka ba nagtataka?
Kung bakit hinalikan ni Princess si Frog Prince,
Kung bakit nagustuhan ni Beauty si Beast
At kung bakit ganon nalang ang pagmamahal ni Fiona kay Shrek?
Dahil may mga tao talagang hindi nabubulag sa panglabas na kagandahan. Dahil sila yong mga taong mas pipiliin ang magandang kalooban. Sila yong totoo kung magmahal ,yong hindi lang mukha ang habol sayo kundi ang puso’t pagmamahal mo..
(via mielxdenice)
Posted by mielxdenice
141 notes
Describe Friends: PUFFCATS
First Impression: “Woaaw! Hala kamukha nya ung anak ng kapitbahay naming chismosa, nakooo. -_- sana hindi sya yun*fingers-crossed”
First Days:
- “Mahiyain tong batang to’. Lagi may takip na panyo :D”
- Tapos na kaming tumawa, tumatawa parin siya XD
- Maraming alam to’, adami kong natutunan na facts
Yan si Tinee, birthday nya nung April 17 kung di niyo alam. Favorite character niya si Cookie Monster sa Sesame Street. Bilib din ako dito ee, magkasing tangkad nalang kami :/ Congrats! :D haha. Pero yung gusto ko talaga sa kanya, yung pagiging organisado niyang tao. Yung wishlist niya nga nung Christmas Party, corkboard at dun syempre nakalista mga gawain niya. Maski yung Tumblr neto. Ayy nakoo. Naka-ayos. Winner! Yung faith niya kay God super hinahangaan ko rin, intouch na intouch siya. Pagdating naman sa looks, kita niyo naman diba? Gandang babae neto! Idol niya nga pala si Yeng Constantino kaya parang medyo kahawig niya siya kung pumorma :) Kung boses naman ang pinag-uusapan, sige na siya na magaling mag-CURL. Pag pumikit ka, sarap sa tenga parang radyo na nga e.XD Minsan, pagumaalis naman half a hour after ng said time siya dumadating, kaya medyo dehins dahil maineet at hapon narin pero marami tong pera, kaya di ako umaalis ng kasama siya kasi nakakahiyang umutang. >.< . HAHAHAHA. Siya rin lagi may dala ng cam kaya ayan nanaman yung mga picture addicts.XD picture kung picture. Sa kanya ko natutunan yung mababaw na kaligayahan yung tipong naappreciate mo na yung mga bagay-bagay kahit sa simpleng galaw,imik, itsura. So eto last favorite color niya PURPLE :D
Pet name: Kambing XD
First Impression: “Kamukha niya yung schoolmate namen? o.O *bitter”
First Days:
- “Sunget naman netong babaeng to! Angas >:/”
- “o.O Ang ganda ng sulat, dati ako pinakamaganda ang sulat a! :/”
- Hindi ko siya naging close kaagad kasi one week or three days ata siya hindi pumasok
O eto nga pala si Mother, ang pastora namin sa klase. Obsessed nyan sa color na BlackRed. Creative na tao to, siya madalas yung pinakamataas sa mga projects namin kasi nga ang gaganda ng mga gawa niya. Magaling din tong mag-drawing. Naalala ko pa yung Ibong Adarna namin, siya lang nagdrawing nung mga nakalagay dun. Matiyaga.XD. Kahit sabihin nating pastora to, napaka-pasaway neto! Kala niyo ba. HAHAHAHA. Pero mayroon siyang gift of Evangelism. Noong wala kaming ginagawa sa klase, nanood lang kami ng cd. Super blessed ang aming klase at ako dahil nagkaroon kami ng isang kaibigan na tumutulong samin upang mas lalo naming maunawaan ang Bible at si God. Pastora nga diba? Dream niya rin kasi nyan. Yung father niya kasi Pastor din kaya siguro napagpasyahan niya ring tularan.Gitarista rin tong babaeng itech. Talented, maganda din ang boses. Kapag may Presentation, siya yung isa sa mga unang tatayo at maghahawak ng mic. Hindi siya mahiyain, in fact pag minsan tinopak, kumakanta mag-isa to. Gangster rin pala to:D Kung sa pormahan, magaling to magdala at maganda pa :). Yung kaarawan niya nga pala ay isinecelebrate sa buwan ng Nobyembre 2.
Pet name: Bulma
First Impression: “Ganda naman neto! Kaso siya nga pala yung nandun sa Recognition *sunget effect”
First Days:
- mabait at masayahin, ako pa ata maldita nun. :/
- naglalaro kami ng BCApple tapos humagis yung bote niya ng Wilkins, pinulot ko at tinanung ko na pangalan niya
- pagnaglalakad umaangat yung sakong ng paa niya.XD
Si yenggay yan yung kasabay ko lagi mag birthday, kasi nga parehas kami ng month June 18. Muse ng klase. Forever beautiful tong babaitang ito. Pero syempre maldita din. Siya yung babaeng palaban, pranka at ayaw na ayaw niyang natatapakan siya ng iba. Dito nga ko nahawa ng kakulitan e. Number 1 pasaway XD. Galawgaw to kung hindi niyo alam kaya naman ang galing neto sumayaw. Pag nagtuturo siya ng step ang ganda tingnan, pag kami na yung gumagawa, WALEY :/ haha. Maganda rin boses neto dati kaso nadisgrasya ng paos kaya nadala. Kung titingnan oo makulit tong batang, pero pag inobserbahan mo talaga at inalam pagkatao niya, marami kang matutunan. Sa kanya ko nalaman na dapat ‘wag kang manlalait ng kapwa mo kasi baka saiyo mangyari yun’, which is totoo naman. Nalaman ko rin sa kanya ang mga katagang ito “love when you’re ready, not when you’re lonely”. Eksperto yan pagdating sa love ee. Kapag nasa galaan naman, siya yung pangalawa sa nag-aaya na umuwi dahil masama nga naman na umuwi na ng pagkagabi-gabi. Ang maganda sa kanya, alam niya kung saan siya lulugar at kung paano makakaapekto yung mga ginagawa niya sa ibang tao. Favorite niya ang Pink at Hello Kitty.
Pet Name: Manok
Paula:
First Impression: “Ang tahimik naman neto, pero parang masunget”
First Days:
- sa lahat ng classmates, siya yung pinaka hindi ko close :|
- parang kuting yung boses pag nagsalita XD
- tinaas ko yung paa sa upuan niya tapos ang pinababa saken with galit effect, tapos nasungitan na talaga ako sa kanya. XD
Yan si Ate Pau, nung bata-bata kami suppeer tahimik at maingay lang pag kami-kami lang magkakasama. Tapos ngayon, nahawa ata XD ang kulet na din.Bilib ako dito, hindi siya napapagalitan kahit ang lakas mangasar ng mga teachers. Matalino din to, :) at sa pagdating sa mga projects, yung mga bagay tulad ng kahoy, dahon, bulak etc. nagagawa niyang decorations na pagkaganda-ganda. Creative to sobra, siguro namana niya to sa mga magaganda niyang ate XD. Ganda din ng boses, at pagpumorma PANG-DALAGA. ayiee. Medyo Late-Bloomer siya, no offense ha. Siya kasi yung tipong inosente pa pagdating sa mga boys etc. wala daw siyang crush :D kaya nga iniintay namin yung araw na you know. :) Magaling din siya magluto kaya kapag siya yung kagroup namen sa TLE, sure na may mataas kaming grade as a group. Pagdating kay God, hindi man siya masyadong showy,pero alam kong tight din ang relationship niya with Him. Siya yung madalas kong napapansin na umiiyak kapag nanonood kami, umalis yung isa naming kaibigan dahil nga siguro intact ang relationships niya sa Kanila. Magaling din siya makisama at makiramdam, ‘pag kasama mo siya sa trip, hindi ka magsisi, puro awesomeness lang talaga. Ayun, favorite color niya pala ay Purple :) at ang kaarawan niya ay sa Setyembre 23
Pet Name: Alaska /Siopao
First Impression: “[secret nalang po :)]”
First Days:
- very friendly
- pag tinanong tungkol sa mga rosary, Mama Mary, siya yung madalas na sumasagot dahil galing nga siya sa isang Catholic School
- nagkasundo kami sa kantang ‘Kissing You’ ni Miranda Cosgrove
Si Nicks naman siya yung babae na super resourceful, kumbaga yung taga-ayos namin, tulad nung dati nung fashion show, siya yung lalong nagpaganda nung dress; pati rin yung lamp niya sa project sa TLE namin, very kikay ang look. Kaso over magpanic to,XD, siya yung laging kinakabahan at kung gagala siya yung pinaka-unang aalis kasi super strict ng parents niya. Maganda din boses neto, idoool, sila magkakapatid. Kung sa porma naman, stepdad niya ang pumipili at laging Sunday’s Best; blouse, step-in, slacks. Kung minsan burara rin to, parehas kami haha XD, yung books nasa ilalim lagi ng upuan ko tapos pag gagawa ng project kung hindi naapakan, nasisira. Pero may kusa siya, kapag makalat yung classroom, habang nagdadaldalan ang lahat, siya nagwawalis. Atsaka super sincere nito mag-sorry kapag may nagawa siyang mali, todo-effort para mapatawad siya. Napaka-generous niya ring tao, tuwing recess or lunch, lagi nanlilibre XD kahit wala siyang baon, gora! Napaka-personal ng mga kinukwento niya samin tungkol sa buhay niya pero ang pinakana-touch ako e yung sinabi niyang “Nang dahil sa inyo mas lalo ko pang nakilala si God, na hindi lang pala kapag nagdasal ka ng Rosary, save ka na, kaya nga buti na lang pinasok ako ni Daddy sa DCA ee” Yun talaga. Sakto sa puso ee. Sarap sa pakiramdam na malaman mo na may isang soul na nasave nang dahil sainyo. Walang aksidente, plinano lahat yan ni GOD. Ang favorite color niya nga pala ay Purple din :) at nagcecelebrate siya ng birthday niya tuwing Hulyo 23
Pet Name: Ratatouille/Rattan/Cheese ETC.[to many to mention :D]
First Impression: “hmm, mukhang mabait ah at friendly”
First Days:
- first Chapel Service ko yun sa DCA, magkatabi kami at hinawakan niya yung kamay ko tapos hinaplos niya at nilaro ‘hello! ang lambot naman ng kamay mo :)’[di ko matandaan kung yan ba talaga yung sinabi niya]
- aba! friendly nga!
- siya yung tipong madaldal pero nasa lugar
Si Inay, yan sarap yakapin niyan ee, tapos maamoy mo pa yung Marshmallow niyang pabango parang nasa Heaven ka na! Love na love ko talaga yung eyes niya lalo na pag nagpicture, photogenic, singkit, bilugan :’>. Masipag na estudyante to, aral kung aral! Wala nga daw munang boypren sabi ni Momy Dina :P pero wag ka siya yung isa sa mga pinaka-maraming crush samen XD Sa Bahay nila ko madalas kasi malapit lang naman sa school, accesible, masarap ang pagkain. Maganda din ang boses neto lalo na kapag bilending sa ibang boses namin :) Gitarista rin :D Pag umaalis naman kami siya yung pinaka-unang dumadating! Napaka-punctual nga! Syempre pati sa school :) Mapagmahal na anak sa magulang, sobra! Wala na atang angal sa kanya mga parents niya, siya yung lagi kapag lumayas kami, di nakakalimutang bumili ng pasalubong :) Tahimik din minsan kapag maingay kami, kaya minsan siguro na-oop siya. Naiyak nga ko dun sa post niya dati nun ee, meron akong 10 BFF’S, PUFFCATS kng twagin ba. Lab n Lab ko cLa ,
pero kng minsan O.P. ako kea isang beses nfeeL q n gus2 ko nang tumiwalag sa kniLa. pero inicp q na khet O.P. aq sa kniLa, frnds q p den cLa. aLm nio hbang tinatype q to, npapaluha ako. aukong mwalan ng frnds kc ntatakot ako. ntatakot aq n one time, wLa n qng kramay sa probLems q. ntatakot aq n mwaLan ng mkakausap. kpag nwaLa cLa, prang nde n buo ung buhai ko. ang swerte q kse nanjn cLa. Pero super close din niya kay God kaya naman binebless siya :) Ang birthday niya pala ay Oktubre 2 at favorite color niya ay violet :)Pet Name: Inayable
First Impression: “Ay nakoo! ang daldal neto for sure XD”
First Days:
- ang daldal nga XD
- “uiiiii, may friendly competition”
- kilalang-kilala siya ng teachers
Si Yaya pala ay pinanganak nung Nobyembre 18. Siya yung valedictorian ng klase namen, bilib ako sa galing ng logic ng utak neto, yung mga tipong mga rubik’s cube. Magaling din siya pagdating sa Bible, siya lang kilala ko na nakapagrecite ng 30+ memory verses in one or two minutes. Panlaban namen sa mga quiz bees at lagi kong partner kung may Pinoy Henyo :) Siya siguro yung pinaka-generous samen, siya kase yung lageng may sagot pag biglaang kain kami, tapos isang beses nagulat ako Christmas Party namin nun tapos nabili niya lahat ng gusto namin, ‘sang baul mo nakukuha pera mo? haha’ Siya rin yung tipong kahit wag na umuwi sa bahay di siya papagalitan kasi hindi strict ang parents niya. Galing din nito pagdating sa music and instruments, pati pag kumanta galing niya pag nakipagblending. Minsan nga lang nakakainis siya pag nagiging maarte and choosy na pero pag pumunta siya sa isang lugar at iniwan mo siya dun, may magiging kaibigan kaagad siya. Approachable kasi siya at non-Threatening XD. Pagdating naman sa faith kay God, sympre napaka deep din :). Sa lovelife? Well siya lang naman yung may pinakamarami kung di niyo alam XD. Babaw ng kaligayahan kaya pag kasama mo siya kahit corny na tatawa kapa,ay nako XD.Ang favorite color niya nga pala ay Blue Green :)
Pet Name: Piyaya/ Fiona
Bea:
First Impression: “Ayyy, super active to for sure :D”
First Days:
- napakadaldal!
- active nga sobra XD
- close kaagad sa mga teachers :)
Si Beyang naman eto super friendly neto, yung biglang lalapit siya sayo tapos magpapakilala tapos friends na kaagad kayo. Ang daldal din nito grabe, pag tumawa wagas XD Kapag kunwari tahimik yung klase, bigla siyang mag-iingay at gagawin niya yung weird dances niya tapos makikiingay nadin kami XD Pero minsan sa sobrang active niya nagiging O.A na at minsan nakakasakit na. Very sincere tong taong ito yung tipong mararamdaman niyang may problema ka at siya yung makikinig talaga sayo at mag-aadvice ng walang halong panghuhusga. :) Pag sa Chapel Service naman namin siya rin yung pinaka-makulet kaya pag nag-Ppraise and Worship kami, super enjoy ko :) Bilib ako sa closeness niya sa parents niya, super sweet sila at lalo na sa mama niya, walang sikre-sikreto sa kanilang dalawa. Kung sa kapatid naman, kakulitan niya yun lagi. Pagdating sa love, wala pa naman siguro dahil bata pa nga daw siya, puro crushes lang :) Ang sweet niya talagang tao :) Ang favorite color niya pala ay Green at ang kaarawan niya ay tuwing Abril 22
Pet Name: Dark Chocolate
PUFFCATS- most gorgeous, intelligent, creative, God-fearing people I know.
“I am so very thankful and honored that He gave you girls. I can’t imagine my life without you. I learned so many things and I become closer to God.Always remember that i’m here to listen :) Whatever problems you have ‘God will Provide’ ILOVEYOU :*”
e ako? describe ME :)

















